byeol-eseoonyeohaengja:
Smug-meme (Taken with Cinemagram)
Cute cute! :) Ikaw lang talaga yung living meme sa mundo. >:D<
When I was younger, I thought that once you fall inlove magiging perfect na lahat. Parang sa fairytales, slow-mo ang lahat, hindi nagugulo yung buhok mo kahit mahangin, hindi ka nadudulas, hindi nakakangalay mag-cuddle at higit sa lahat hindi kayo nag-aaway unless painumin ka ng wicked witch ng evil potion niya. Pero nagkamali pala ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon, maayos. Hindi laging masaya. Siguradong may mga pagkakataon na maiinis ka talaga.
Magulo, oo. Pero kahit ganun masaya mainlove. Lalo na kung yung taong mahal mo e inlove din sayo. :) Siguro yun talaga yung pinanghahawakan ng mga taong inlove. Kahit palaging mag conflict, kahit nauubos na ang pasensya, hangga’t mahal ka nung taong yun, okay lang sayo.

Di ko talaga inexpect na magiging ganto ako ka-corny. Di naman ako ganito dati e. :| Pero lahat nagbago nung nakilala ko tong taong to. He may not be the best but for me, he is the most awesome-st (OA talaga pero ganyan siya :D) guy I’ve ever met. Yung tipong kapag nagmeet kami ng girl-friends ko at pinag-usapan ang kanya-kanyang lovelife e hindi sila makapaniwala sa mga kinukwento ko. Feeling nila hindi totoo. O kaya hindi PA daw yun yung totoo. Ewan ko lang sa kanila pero ako, matagal ng convinced na eto na yun at wala na kong aabangan pa. Too good to be true daw. Pero feeling ko, hindi naman totoo yung phrase na yun e. May mga matitino naman kasi talagang mga lalaki. It’s just that most girls fall for jerks. Kaya dapat huwag tayo magsettle for anything less. Fall for a guy who deserves you. Babae ka. Okay lang naman maging choosy e. Hindi yun masama. Kesa naman ipilit mo magkaron ng jowa para lang may maibandera ka.
Girls, tandaan niyo na hindi kailangan na nakasakay pa sa isang white horse or naka-silver armor pa yung magiging prinsipe ng buhay niyo. Madalas, nakapants at t-shirt lang yan. Hindi din siya dapat hanapin. Kailangan mo lang matutong maghintay. Saglit man yan o matagal, make sure na pag dumating kunin mo na agad. At kahit ano pa mangyari, wag mo na pakawalan. =)

Lantern Parade 2012 @ UP Diliman

First time na sinabihan ko siya ng magical three words :)

First formal event :)

Napilitan lang siya. Halata naman. haha

Unexpected encounter with Predator during a cosplay competition at Rob Manila

Another formal event we attended together. :)
So here are some of our pictures. Vain kami pareho e. Sorry.. Haha. It’s unbelievable pero wala pa kaming one year. (Malapit na! \m/) Pero kahit ganun, minsan feeling ko ang tagal tagal na namin. Siguro dahil narin sa dami ng mga pinagdaanan namin. :)
I’m sure na may iba pang mga babae na nahanap na yung perfect guy para sa kanila. And I think they can prove na totoo yung mga sinasabi ko dito sa post ko. Para sa mga kagaya ko, sana mas maging strong pa yung relationship niyo. At para naman sa mga nag-aabang pa hanggang ngayon, I hope mahanap niyo na din yung prinsipe ng buhay niyo. :))
P.S. I love you baby! :))
UP Diliman Lantern Parade 2012
A little taste of sembreak with CACA :”>
Dark Forest Hollycino from Hollys Coffee. :”>
Work hard. EAT harder. :))
Got featured on SM Youth’s Campus Fashion Radar! :)) Forgive me for not smiling. Oh well. =)
Make up cannot hide what you feel, really. So just forget it and SMILE. :)
Meet my foosball buddy. =)